Narito na ang Opera 12.10!

Ang bagong bersiyon na ito Opera browser ay may dalang mahabang lista ng mga pagpapahusay para gawing mas mabilis at mas madali ang karanasan mo sa pag-browse! Narito ang iilan sa mga ibinibida:

Nagdagdag kami ng suporta para sa pamantayan ng SPDY network, na nagpapabilis sa pagkarga ng mga pahina. Ang Gmail, Twitter.com at iba pang kilalang site ay gumagamit na ng SPDY.

Sa bagong Opera, mas marami ka pang magagamit na extension para maging mas maginhawa ang iyong buhay. Mag-browse ayon sa kategorya o popularidad sa addons.opera.com.

Ang Opera 12.10 ay mas mahusay na gumagana sa mas maraming operating system at platform. Nagdagdag kami ng basic na touch support para sa Opera sa Windows 8 Classic at Windows 7, habang ang mga gumagamit ng Mac ay mapapakinabangan ang mga bagong kakayahan ng OS X Mountain Lion gamit ang Opera, na may kasama nang share function ng Mountain Lion.

Nais mo bang malaman ang marami pa? Bumisita sa Ano'ng bago para makakuha ng mas maraming impormasyon tungkol sa bersiyon na ito o mag-click dito para makita ang buong lista ng mga teknikal na pagpapahusay.